Sana’y di magmaliw ang pagtingin

Kay daling sabihin, kay hirap gawin

Sa mundong walang katiyakan

Sabay natin gawing kahapon ang bukas…

image

Love is a verb.

Meron kaming discussion noon sa Philosophy of Man. “Sino ang pipiliin mo: ang taong mahal mo o ang taong mahal ka?” Karamihan sa mga kaklase kong babae (na single at nagmamaganda), pinili yung pangalawa.

“Yung taong mahal ako.” Natuturuan daw kasi ang puso na magmahal. Maaaring hindi mo mahal ang isang tao ngayon, ngunit sa tamang panahon ay baka magkakilala kayo at magkagustuhan. Hindi raw nasusukat ang pagmamahal sa hitsura o panlabas na anyo, kundi sa personality. Naks, personality.

Hindi ako sang-ayon sa kanila. Para sa’kin, hindi applicable ang konsepto ng trade sa pagmamahal. Sabi nila, “give and take” dapat. Weh? Hindi siguro. You cannot give what you don’t have. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong tumbasan yung ginagawa nung isa. 

Dun ako sa una. “Ang taong mahal ko.” Sabi nila, hindi na uso ang martir ngayon. Yun nga eh. Hindi na uso ang martir ngayon kaya kailangan ko nang ibalik sa uso. CHOS. 

#PBBTEENS2013

Photoshop

Iba talaga ang nagagawa ng Photoshop sa mga larawan, ano? Pansinin ninyo ang dalawang larawan na’to. Raw image ang nasa taas at edited naman ang nasa baba. At nilagyan ko talaga ng watermark. Mukhang artista, ano? Parang nasa taping lang. LOL

Good afternoon ho.

unwanteddoll:

6 billion people in the universe. But it’s only you I long to talk to. Even if that would mean staying up late, I don’t care as long as I get to hear you from thousands of miles away.

Note from the Editor-in-Chief: Kung ang sentence mo ay nagsisimula sa number, kailangan mong i-spell out yun. At kung balak mong mag-interpolate ng idea, kailangan mong gumamit ng em dash. Halimbawa, “Six billion people in the universe — but it’s only you I long to talk to.”  LOL

unwanteddoll:

6 billion people in the universe. But it’s only you I long to talk to. Even if that would mean staying up late, I don’t care as long as I get to hear you from thousands of miles away.

Note from the Editor-in-Chief: Kung ang sentence mo ay nagsisimula sa number, kailangan mong i-spell out yun. At kung balak mong mag-interpolate ng idea, kailangan mong gumamit ng em dash. Halimbawa, “Six billion people in the universe — but it’s only you I long to talk to.”  LOL

Nakakaaliw itong libro na tina-transcribe ko ngayon. Nakaka-relate ako. LOL. Sabi ng author, na-realize niya na sa buhay, hindi mo kailangan na maging gwapo, macho, o ubod ng yaman para maging attractive sa mga babae. Sa huli, mas importante daw ang characteristics na unique sa’yo. Halimbawa, itong si Gabriele D’Annunzio. Dinescribe niya ang hitsura ni Gabriele at na-curious ako. Pandak at saksakan ng panget. Mukhang troll. Nag-search ako sa Google at eto ang nakita ko.

Iniinsulto daw si Gabriele ng mga gwapo, edukado, at mayayaman na lalake sa Italy noon. Sa katunayan, kahit sumama ang mga asawa nila sa kanya, ayos lang. Pandak itong si Gabriele at saksakan ng panget! Impossibleng magkagusto ang mga asawa nila sa hitsura at pagmumukha nitong hinayupak na’to. Well, well well. LOL. Dun sila nagkamali. Mahusay mag-Italian si Gabriele. Secretly, sobrang dami ng mga babae na patay na patay sa kanya (at sa katunayan, sobrang dami ng babae na gustong makipag-sex sa kanya.) Marami daw siyang bed partners.

Akalain niyo? Itong pagmumukhang ‘to. Hayop.

Eto ang sabi ng author…

When a woman talks to a guy who’s not so good looking but he’s very good with his voice and language, his face changes from ugly to handsome. When a woman talks to a handsome man who’s not good with that, his face changes from handsome to ugly. It’s a very interesting psychological process that women can verify with you.

Hindi ko pa natatanong si Ly. Ewan ko. Totoo ba ito Ly? LOL. Siguro, nagkakasundo kami ni pareng Gabriele sa isang bagay. Sa voice and language. Yun talaga siguro yun.

did-you-kno:

Source

did-you-kno:

Source

(via did-you-kno)

There’s a somebody I’m longin’ to see
I hope that she turns out to be
Someone who’ll watch over me

I’m a little lamb who’s lost in the woods
I know that I could always be good
To one who’ll watch over me

Although I may not be the man
Some girls think of as handsome
To her heart I’ll carry the key

Won’t you tell her please to put on some speed
Follow my lead. Oh, how I need
Someone to watch over me

rashhours:

Lovers about to watch the sunset

rashhours:

Lovers about to watch the sunset

DNP. Do not procrastinate.

May pinapa-transcribe sa’kin na phone call si Ma’am Jen kaninang madaling araw. Nabasa ko ang message niya bandang 2:00 AM at kailangan daw niya ang transcript ASAP. Alam kong seryoso siya dahil gumamit siya ng exclamation point sa mensahe.Hindi siya gumagamit ng exclamation point kung hindi kailangan ang transcript, ASAP.

Natapos ko ang transcript ng 6:30 AM. Noong oras na yun, tapos ko na ring i-proofread ang pag-uusap kaya sinubmit ko na agad. Natapos rin, sa wakas. Pinatay ko ang computer. 6:45 AM, nakahiga na ako sa kama at matutulog na. Antok na antok. And voila. Biglang namatay ang electric fan. Biglang namatay ang ilaw. Nag-brownout. 

Napaisip ako bigla. Paano kaya kung hindi ko sineryoso ang message ni madam? Kung tutuusin, tulog dapat ako dahil 2:00 AM na dito sa Pilipinas. (1:00 PM sa New York, sa office ni Ma’am Jen) Gising pa si Ly at magkausap kami sa FB. Paano kaya kung inuna ko ang lambingan pag-uusap namin? Baka hindi ko na-submit ang transcript sa oras. At baka natanggal ako sa trabaho.

3:00 PM na nagka-kuryente.