pre birthday, birthday, from
December 2, 2010
- 5 PM. Pumunta ako sa SM dahil nagyayaya sina doc na manood ng Harry Potter and the Deathly Hollows. Kumain muna kami ni Doc Edward sa Chowking dahil 8:30 PM pa yung papanoorin namin.
- Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa Cyberzone dahil nagdala ng kotse si Doc Mel. Tumangkad daw ako at tumaba. Tinanong nya kung meron ba akong iniinom na gamot at sumagot naman ako nang masinsinan.
Wala naman doc! Madalas lang akong mag masturbate. OMG. Hahaha!
- Nagpunta kami sa arcade. Nag-videoke si Doc Mel at nag-basketball naman kami ni Doc Edward. Nakakalungkot yung mga alam na kanta ni Doc Mel. Gusto kong i-unplug yung videoke! Haha!
- 7:30 PM. Dumating si Doc Shiela. At kumain uli kami sa Shakey’s!
Nagre-regurgitate na yung tae sa bibig ko. Haha! - 8:30 PM. Nanood na kami ng Harry Potter. May mga eksena na nakakatawa pero mas maraming eksena na nakakalungkot. Nakakaiyak! eg. Namatay si Hedwig. Namatay si Alastor Moody. Namatay si Dobby.
Ang gwapo ko. Nag-away si Ron tsaka si Hermione. (Ibang-iba na sila sa first year students na nakilala natin noon sa Harry Potter and the Philosopher’s Stone) Pumunta si Harry tsaka si Hermione sa Godric’s Hollow sa araw ng Pasko. Madilim yung langit tapos nag-i-snow. Nakakaiyak yung background music! Masyadong solemn.

- Natatakot ako sa character ni Dolores Umbridge.
Hindi siya mukhang witch. Mukha siyang psychotic na pasyente. LOL - Pinipigilan ko yung tawa ko nung nagkakagulo silang lahat sa Malfoy Manor tapos biglang may cutscene si Dobby na nasa chandelier.
- Napaka pangit ni Bellatrix Lestrange! Sana nga bumagsak nalang yung chandelier sa kanya! LOL. Astig yung pagkamatay niya nun, kung sakali. Nalungkot ako noong namatay si Dobby.

- Nakaka-amaze yung kwento ng Deathly Hollows! Kung isa siguro ako sa mga magkakapatid, ito yung iwi-wish ko kay Kamatayan: gawin niyang mahiwaga yung tubig sa ilog. Kung sino man ang titingin sa ilog ay magkakamit ng sobra sobrang katalinuhan. LOL
- Nag-check ako ng FB at natulog.
- May natanggap nga pala akong regalo! Starbucks tumbler. Woo! Isa na akong ganap na professional. Natupad na ang pangarap ko sa buhay. LOLJK