Nagdu-duty ako noon sa isang private hospital na malapit sa Philippine Orthopedic Center. Noong araw na yun, in-assign ako ng aming clinical instructor sa Department of OB-GYN. Ang aming rotation ay tungkol sa Head Nursing.
In simpler terms, pinag-aaralan namin ang tamang pag-aalaga ng ulo. CHOS. Bilang isang head nurse, ako yung in-charge sa mga ka-group ko (na staff nurse kunwari) sa Department of OB-GYN. Sa mga susunod na linggo ng aming rotation, ako naman ang gaganap na staff nurse at iba na naman ang head nurse.
Okay naman ang OB-GYN Department ng ospital. Mabango at malinis at walang mga kaldero na may lamang kanin o thermos na nakakalat kung saan saan… at di tulad sa mga pampublikong ospital, kapansin-pansin rin na kumpleto ang ngipin ng mga nanay. (Sa mga pampublikong ospital, napakaraming bungal. May kinalaman ang phenomenon na’to sa tamang diet, tamang supplements na iniinom at tamang activities). Sabi nung isang nanay na nakausap ko, mas maalaga at mas mabait daw ang mga lalaking nurse. Sangayon ako sa kanya. Buti pa ang mga pasyente sa private hospital, madaling maka-appreciate. LOLJK
Nope, hindi tungkol sa kanya ang kwento ko. Ang kwento ko ay tungkol sa isang terror na consultant ng OB-GYN Department. ‘Pag sinabi kong consultant, eto yung mga doktor/doktora na naka-Sunday dress (at sobrang dami ng alahas sa katawan) o kaya nama’y long sleeves na may kapares na relo na saksakan nang mahal, tulad ng Tissot, Longines, Rolex or whatever.
Dumating si doktora at nakita niya ang perilight sa maling lugar. Normally, nakatutok ang perilight sa *toooot* ng babae na nanganak through normal spontaneous delivery. Nakahiga ang babae at nakabukaka ang dalawang legs. Mahabang kwento, but for the sake of giving you a layer of the land, hindi kasya ang sanggol sa *toooot* kaya kailangang gupitin at tahiin at pagandahin / pasikipin muli. Hindi na’ko gagamit ng medical terms dahil ang purpose ko lang naman eh mag-kwento. Hindi naman ako nagre-report, diba?
Nakatapat ang perilight sa *toooot* ng babae for many reasons. ‘Pag marami ang supply ng dugo, mas mabilis gagaling ang sugat. Pangalawa, nakatapat ang perilight sa *toooot* ng babae para manatiling dry at hindi langawin at hindi pamugaran ng germs. And most importantly, nakatapat ang perilight sa *toooot* ng babae para madali kong masilip para mabawasan ang hapdi at kirot na dulot sa kanilang damdamin. K.
Nagwala si doktora noong nakita niya ang perilight na nakatapat sa side (sa hita) ng pasyente. Before that, nag-complain ang pasyente sa staff nurse na naiinitan ang kanyang *toooot* at nag-request sa mahinahong paraan na igilid ang perilight. Ganito ang sumunod na eksena.
Dra. X: NASAAN ANG STAFF NURSE DITO!
Chino pogi: Good morning po, doktora. Bumaba po siya sandali.
Dra. X: SINONG NAGKABIT NG PERILIGHT!
Chino pogi: Bakit po doktora?
Sakto namang dumating ang Nurse-on-Duty na nagkabit nung perilight… at nakita ko ang perilight! Nakatapat ang perilight sa hita ng pasyente, which is tremendously wrong. Aba naman, iba kasi ang anatomy ng hita at ng *toooot*.
Dra. X: IKAW ANG NAGKABIT NG PERILIGHT!
NOD: Opo, doktora.
Dra. X: HOW DID YOU PLACE THE PERILIGHT!
NOD: Paano po kasi doktora, nag-request po yung pasyente na…
Dra. X: HOW DID YOU PLACE THE PERILIGHT! YOU ANSWER MY QUESTION! YOU DON’T KNOW HOW TO USE THE PERILIGHT!
NOD: (silence)
Dra. X: TIGNAN MO ANG PASYENTE! TIGNAN MO!!!
By that time, naglalabasan na yung mga usiserang bantay sa kani-kanilang kwarto. Galit na galit talaga si doktora.
Dra. X: SUSUNUGIN MO ANG BALAT NG PASYENTE KO! MY GOODNESS!
NOD: (silence)

I dunno kung may boyfriend or asawa na si doktora, ngunit sa pinakita niyang yun, parang alam ko na. After that incident, hindi ko na ulit nakita si ma’am.
Based on my observation, yung mga tao na mahilig magsungit, yung mga bugnutin at madaling uminit ang ulo, yung mga tao na walang pinapalagpas na chance para makipag-away, sila yung mga tao na maraming frustrations sa buhay at napakahirap pakisamahan. Usually, pabago-bago rin sila ng partner. Last month, si ganito ang pinapakilalang girlfriend. After seven months, iba na naman. The following year, iba na naman.
“Ang nagpapatawad nang kaunti, nagmamahal nang kaunti.”
“Why the fuck are you working as a domestic helper when you are a college graduate?”
(silence)
My dear friends, being a DH in this foreign land is very hard. The work alone is frustrating and homesickness is always constant. Above all, what makes me sad is the fact that most of us are discriminated.
Let us first talk about the hard work. My day starts from 6:30 am to 11.30 pm. Bed to bed. Some actually wake up earlier (like 5.30 am). So am I lucky? NO. Fuck the fact that humans need eight hours of sleep. Every day we are pummeled to work. Sitting is already rejuvenating and sleep is a luxury. I’m not a whiny bitch here. I’m just trying to give you a hint of the situation.
Now, let us move to homesickness. I always wanted to leave home. It was plain, old and boring. I was so excited to move out and now I am dying to come back. I am struggling to communicate and it hurts so bad that every day I am always running out of time. You work, they sleep. They have time, you are working. Every single day is a miss. No wonder why Filipinas are hungry for conversations.They will talk to you even if they don’t know you. Just a simple hello can brighten up someone’s gloomy day. Truly, no man is an island.
And finally, discrimination. As painful as it is, yes we are all suffering from this inhumane act. We are denied for services simply because of our color. Our voices are never important because we are just helpers and some are even treated as slaves. (Come on, we are already in the twenty first century). And worst of all, kapwa mo pinoy ang nang-di-discriminate sayo. “Ay, katulong lang naman pala ang bagsak niya.”
How dare you judge our path. I pity those close-minded people for they never knew how noble this job could be. Shame on you, you who are still living with your magulang and asking your tito, tita or lola na nasa abroad for your pang-lamyerda. Ilan taon ka na kasi?
In this place where everything is fast paced, people forget to look back and slow down. Values are lost and kindness is rare, but this is how it is supposed to be. We should know how to feel empty so that we know how to value things. This world might be harsh but it doesn’t mean that I will also stop smiling. I will not drop my ethics and beliefs just to fit in. I am a Filipina and I was raised with compassion.
P.S. Umayos din kasi kayo na mga Filipino. Please don’t wear those revealing clothes and then complain of being treated crudely. Don’t shout when you are talking to your friends. Girl, you’re just two feet away. Clean your own mess and please stop jaywalking at wag magnakaw o manggantso. (Tangina mo ka, pare-pareho tayong kumakayod tapos gugulangan mo ako?! You don’t do that to me!)
I wish you all a happy Labor Day. Magdiwang ka kasi may trabaho ka.
This note was written by my good friend in college, Gly. She has been working as a domestic helper in Hong Kong, and yes, she’s a registered nurse here in the Philippines. While it’s true she wouldn’t have the career advancement that she in no small amount deserves (I mean she’s very bright like me), she wouldn’t earn P300,000/year by being a volunteer or even a staff nurse here. You know, Nursing is the poorest profession in this country. Mas mataas pa ang sweldo ng messenger kaysa sa staff nurse. San ka pa.
Eniweys, dahil mahaba na masyado ang post na’to, let me just reiterate her closing point. Magdiwang ka kasi may trabaho ka. That’s the spirit, yo!

Born free
May girlfriend si Charice? Anyare? Nag-lecture si Margie Holmes sa school namin noon. Kilala ba ninyo si Margie Holmes? Isa siyang sikat na psychologist / sex guru. Sabi niya, “Sexuality is fluid.” Ang isang heterosexual na tao ay maaaring magkaroon ng homosexual tendencies and vice versa. Kailan at saan? Walang makakapagsabi. (Napanood ninyo yung bromance ni Calvin Abueva at James Yap kagabi? LOLJK)
For example, itong si Charice. Noong bata pa siya, ang hilig-hilig niyang bumirit. Lagi siyang binabalita sa TV… kesyo may guesting siya sa ganitong show at sa ganyang show at binigyan siya ng standing ovation, et cetera. Kulang siya sa height, ngunit ang husay niyang umawit. Babaeng babae siya noon. (Nope, hindi ko sinusubaybayan ang career ni Charice, okey? LOL. Hindi ako fan).
Eniweys, sino ba ang mystery girl na kasama niya sa picture? Mukha na talaga siyang tomboy, no Nakakagulat ang pagbabago. I dunno. Sa pinapakita niya ngayon, mukhang alam na niya ang gusto sa buhay.
Born free, as free as the wind blows, as free as the grass grows… Born free to follow your heart!
“Backer system is in full effect.” Repeat 123983934056 times.
Naglalakad ako dito sa subdivision namin nang marinig ko ang kwento ng isang lola. Pumunta daw siya sa ospital at na-petrify siya sa nakita niya. Nope, hindi niya ginamit yung word na “petrify.” Wala akong maisip na salita na makakatumbas sa petrify.
Nagku-kwento siya sa Kapampangan. Sabi niya, “Ot mete ne ing pasyenti, nanu nanu pang panyaksak yu!” (Bat patay na ang pasyente, kung anu-ano pa ang mga pinagsasasaksak ninyo!)
“Patay na nga ba, lola?” gusto kong tanungin.
May isa kaming pasyente noon. Meron siyang Diabetic Ketoacidosis. Ang blood pressure niya ay 280/140 at wala na siyang malay. Maputlang maputla, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita… Hirap na hirap siyang huminga at mukhang mamamatay na.
Bandang tanghali, naghuramentado yung bantay niya. “Waaaaah! Nars! Si tatay, patay na yata!!!” Nagmadali kami. Nakita namin ang pasyente… Nakadilat, hindi na humihinga, nakanganga. Yup, this time mukhang patay na talaga.
Sobrang toxic ko noong araw na yun. Nagsaksak ako ng kung anu-ano. Bumigay ang puso ng pasyente. (Ano ang blood pressure ni sir? Zero.) Wala rin siyang pulso.
Patay na nga ba siya? Pwede na ba siyang dalhin sa morgue? Not quite. Wala na kasi tayo sa dark ages. May isang gamot na kayang magpatibok muli sa puso kapag ito’y napagod.

Epinephrine.
Dahil hindi na humihinga si sir, kailangan rin namin siyang i-intubate (o kabitan ng tubo papunta sa lungs. Naka-konekta ang tubo na’to sa isang bag-valve mask / Ambu Bag. Pina-pump ng bantay ang Ambu Bag para huminga ang pasyente. Well, kung gusto nilang matuluyan na siya, wag silang mag-pump at hindi nga siya hihinga. Literally.)
Pinaliwanag ni doc ang procedure at pumayag ang bantay. Wala kaming mechanical ventilator sa ospital dahil walang pondo. Walang pambili. Weh.
Eniweys, bago kami mag-intubate, nagsaksak ako ng anesthesia. Masakit kasi ang intubation. Nakikita namin na walang malay ang pasyente NGUNIT alam namin na kapag nasaktan siya, pwede siyang umubo. At ano ang mangyayari kapag umubo? Tatalsik ang dugo at plema at laway sa mukha ko. Pwedeng pumasok ang dugo at plema at laway sa lungs niya. Kung ma-revive man namin siya, may panibagong problema. Nakaperwisyo kami, sa halip na makatulong.

Lidocaine.
Isa sa mga features ng Diabetic Ketoacidosis ay severe hyperkalemia. Makikita ito sa ECG tracing. Nangyayari ito kapag lubhang napakataas ng potassium sa katawan. Maganda ba’to? Siyempre hinde. Kailangang alisin ang sobra-sobrang potassium. Paano? Magsaksak ng pampa-ihi… Maraming-maraming pampa-ihi.

Furosemide.
Ayun. Vigilante Mode ako. Saksak lang ako ng saksak ng mga gamot, habang yung dalawang mokong na kasama ko ang nagsa-suction at nag-e-endorse sa Intensive Care Unit. Yung nursing aide namin ang nag-C-CPR.
Wow. Pwedeng mag-CPR ang nursing aide? LOLJK. (Majority kasi sa mga nursing aide na nakaka-duty ko, vital signs lang ang alam gawin.) Ewan ko ba dito sa Pilipinas. Kung alam niyo lang, kulang na kulang ang mga staff nurse sa mga pampublikong ospital. Ayaw mag-hire ng gobyerno dahil wala daw pondo. Walang pampa-sweldo. Sus. Wala nga ba?
To cut the story short, na-revive namin ang pasyente. Namatay si sir after one week, pero at least na-extend namin ang buhay niya. We’ve done our best. We’ve done our part.
Lahat ng procedures na ginagawa sa ospital ay may rationale. Hindi gagawin ang isang procedure (at hindi magsasaksak ng kung anu-ano) para sa wala lang. May dahilan. Sa lahat ng pagkakataon, ang Diyos ang gumagawa ng paraan. Instrumento lang ang mga nurse, nursing aide, doktor, med tech, at iba pa.
Segue: Kussmaul Breathing ang tawag sa paghinga ng isang pasyenteng may Diabetic Ketoacidosis. K. Andami kong alam no. LOL

- Nagsisialis na ang mga kaibigan at kakilala ko. Kanya-kanyang update ng status sa Facebook. May papunta ng Baler, may papunta ng Vigan, may papunta ng La Union, may papunta ng Boracay… Isama mo na rin yung dalawang classmate ko noong college na
maglalaplapan magbabakasyon sa Hong Kong.
- Speaking of Hong Kong… Birthday ngayon ni Glinis. Si Glinis yung kaibigan ko na nagta-trabaho ngayon sa Hong Kong bilang domestic helper. Registered Nurse siya dito sa Pilipinas.
- Walang masama sa pagiging domestic helper, aba siyempre! Walang nakakahiya sa desisyon niya.
- Mas nahihiya ako para sa mga staff nurse sa ospital na hindi deserving at hindi karapat-dapat. Kapit tuko sa backer at saksakan ng bobo.
- Yung isang kasama ko… super lakas ng backer sa capitol. Hindi niya alam ang pagkakaiba ng melena at hematochezia.
- Tas kapag may pasyente kami na for BT (blood transfusion), ie-endorse niya kaagad sa akin. Ewan ko kung Jehovah’s Witnesses ba siya or hindi lang talaga siya marunong magkabit ng swero. G18 ang karayom ang ginagamit sa blood transfusion… in other words, mas malaki at mas mahaba.
- Kapag maitim at malapot ang tae ng pasyente (parang dinuguan) melena ang tawag dun. Ibig sabihin, may bleeding sa itaas na bahagi ng gastrointestinal tract. Na-digest ang dugo kaya naging kulay itim.
- Kapag mapula (mukhang fresh na dugo) ang tae ng pasyente, hematochezia ang tawag dun. Ibig sabihin, may bleeding sa ibabang bahagi ng gastrointestinal tract. Hindi na-digest ang dugo dahil, obviously, nasa ibaba na.
- Eniweys, kung maraming opportunities dito sa Pilipinas, sa tingin ba ninyo pipiliin niya na maging domestic helper? Hinde.
- HK $30 per hour ang sweldo niya. (P25,000 per month.) Libre ang tirahan, libre ang pagkain, libre ang Internet… and on top of that, nakatira siya sa Hong Kong.
- Tulad ng nabanggit ko noon, ang Hong Kong ay isa sa mga colonies ng Great Britain noon. Malakas ang koneksyon nila sa UK, Canada, Australia / New Zealand, at iba pa.
- Dahil birthday ngayon ni Glinis, pinayagan siya ng amo niya na mag-day off. Sa Hong Kong Ocean Park siya mag-ce-celebrate.
- Libre ang entrance sa Ocean Park kapag birthday mo. Yup, ganyan sila kayaman. LOL. P1,500 ang day-time ticket sa Ocean Park. Mas mahal yata ang night-time ticket.
- Anong bansa ang maraming baka? Kbye.

- Holy Week na at kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho. Okay, kayo na ang naka-bakasyon. Kayo na ang pupunta sa beach. Kayo na ang masaya! Ang swerte-swerte ninyo. LOLJK
- Kakatapos lang ng practice namin sa choir. Iba na ngayon. Wala na ang mga ka-batch ko. Nag-graduate na sila sa college at iba na ang priorities nila sa buhay.
- Naiintindihan ko naman. Aalis rin naman ako sa choir kapag flight attendant na ako. Sa eroplano nalang ako kakanta. LOL. Mafeeling.
- May isang street dito sa subdivision namin na maraming maraming aso. Tatahol ang mga mababangis na hayop at hahabulin ang sinumang naglalakad. Parang Temple Run lang, oo.
- Pero may mas nakakatakot pa diyan! May isang street dito sa subdivision namin na may white lady daw. Kwento ng kakilala kong nurse, pugot ang ulo at may dala-dalang kandila. Hindi lang siguro ako tatakbo pag nakita ko ang white lady na yun. Mapapaihi ako sa sobrang takot. LOL
- Ektwali, habang naglalakad ako kanina, tinitignan ko yung shadow ko sa daan. Di ko maiwasang ma-paranoid dahil mag-isa ko lang.
- Naaalala ba ninyo yung kwento ko noon sa Medicine Ward? Nag-dinner ang mga kasama kong nurse at naiwan ako. Tahimik ang ward at wala kaming toxic na pasyente. Nagcha-charting ako. “Pssssst!” Galing sa likod ko. Boses babae. Kinilabutan ako, siyempre. Binitawan ko agad yung ballpen na ginagamit ko. Hindi na ako lumingon at tumakbo ako nang mabilis palabas ng ward
- Walang nurse na duwag, oo. Matapang dapat! Hindi takot sa dugo. Hindi takot sa mga lamang loob. Hindi takot sa injection. Hindi takot sa mga bangkay. Hindi takot sa consultant na terror at tanong ng tanong ng mga punyetang tanong. Sa multo lang natatakot ang isang nurse.
- Okay, flight of ideas po ba ito? LOL.
- Ang payat payat ko na.
Nurse Chino is assigned to Mrs, Hanepbuhay, a 60-year old female client with no spontaneous breathing. Nurse Chino is evaluating the security of Mrs. Hanepbuhay’s tracheostomy ties. Which of the following methods is used to assess for tie tightness?
A. Nurse Chino uses a Velcro fastener instead of a tie.
B. Nurse Chino makes sure there are no tie marks present.
C. Nurse Chino pulls the tracheostomy slightly away from the neck.
D. Nurse Chino places one finger between the tie and the neck.

Bakit nadagdagan yung time pagdating ng old? Oo, dahil kailangan nang mag-retire at kailangan nang mag-stay sa bahay para mag-alaga ng mga apo… Subalit, hindi ba’t diyan rin sumusulpot ang mga chronic diseases tulad ng hypertension, Alzheimer’s Disease, cancer, osteoporosis, at iba pa? So bakit nadagdagan?
Feeling ko (bilang isang feelingero) hindi ito applicable sa Pilipinas. 72 years ang life expectancy ng mga Pinoy. Ibig sabihin, kapag nag-retire ako at age 60, meron nalang akong (God forbid) 12 years. LOL









Hangaroo - Nursing Edition
Alam ninyo, may punto naman si Mrs. Cynthia Villar eh. Wag niyo na siyang awayin. Hindi naman talaga kailangan na ganun kagaling ang isang nurse. Wag na tayong magkaila… Parang nag-aalaga lang naman talaga tayo. LOLJK. Nagsasabi-sabi.
Nadale ako sa Rubeola tsaka Episiotomy.