Incident Report

Magkatabi lang ang Operating Room at Delivery Room ng aming university hospital. May short-cut papunta sa DR sa likod ng OR.

Eksena when I was still in third year:

May isang babae na nakatayo sa hallway ng Operating Room (non-sterile area) at binabasa ang white board kung saan nakasulat ang mga OR cases for the day (with the time, the surgeon, anesthesiologist, scrub nurse and circulating nurse).

Classmate (lalaki): Ma’am, pwede po bang sa labas lang tayo? Bawal po kasi ang mga folks dito.

Babae (na-shock at tinitigan ng masama from head-to-toe ang classmate ko): Excuse me? Hindi mo ba kilala kung sino ako?

Classmate: Uhm… Hindi po Ma’am.

Babae: Anong pangalan mo? At anong year?

Classmate (nagtataka kung bakit nagtatanong ang babae): Ma’am? [Insert classmate’s name here], third year po.

Babae: Gumawa ka ng incident report!

Turns out ang babaeng iyon pala ay si Mrs. L., Level IV Clinical Instructor who’s assigned sa Delivery Room. Bwahaha! Napagkamalang bantay ng pasyente! Tas pinalabas pa ng OR!

Hindi ko alam kung bakit hindi siya kilala ng classmate ko. Eh kilala naman siya sa buong school. Yan tuloy, na-incident report pa siya. Hahaha!

Morale lesson: Know the clinical instructors from Level I to IV nang hindi mo sila mapagkamalang bantay sa ospital. Lels. XD

May nakakatawa akong experience. Parang ganito din. 

May isang first year resident physician sa department namin. Hindi siya masyadong friendly at hindi siya masyadong kilala. Malaki yung muscles niya! Parang construction worker. Palagi siyang nakasuot ng polo shirt.

Nilapitan siya nung kasama kong nurse. “Manong, pwedeng pakibaba na po yung pasyente namin sa 303, for ultrasound?”

Ayun. Napagkamalang institutional worker si doc. Buti hindi nagalit. HAHA!