
Band
Dahil nasa abroad si girlfriend at maraming nagmamaganda sa paligid, naisipan kong bumili ng wedding band singsing sa SM kahapon. Kung hindi ninyo naitatanong, ang nag-iisang alahas na pwedeng isuot ng mga nurses sa loob ng ospital ay ang relo. Bawal ang hikaw, bawal ang singsing, bawal ang bracelet, bawal ang kwintas, etc. Buti nga’t dito sa atin hindi masyadong strict pagdating sa dress code! Sa katunayan, pwedeng magsuot ng pearl ang mga kababaihan (kahit single) at pwedeng magsuot ng singsing ang mga kalalakihan (kahit single). Registered nurses lang ah, siyempre! Hehe. Ako mismo, ayokong nakakakita ng mga nursing students na napakaraming bling-bling sa katawan at parang Christmas tree na.
Hindi masyadong okey ang experience ko sa pagpapa-engrave ng pangalan namin sa singsing. Nagkamali kasi ang sales girl! Ipapabayad ko sana ang singsing (dahil nagkamali nga siya) kaso na-realize ko na baka hindi naman niya ma-afford. CHOS! HAHA! Dahil wala ako sa mood makipag-away at alam niyo namang hindi mahilig makipag-away ang mga gwapong katulad ko (signal number 3) pinalagpas ko nalang. Magkano ang silver band na’to? Mura lang. Kapampangan ako pero hindi ako mahilig sa mga extravaganza.
Yun lang. Day off ko pa rin ngayon. Hehehe! In-enjoy ko lang ang day off ko at baka lagnatin na naman ako. My goodness. Palagi nalang akong nilalagnat! LOL
Segue: Congratulations nga pala sa lahat ng bagong nurses! Sama-sama nating iangat ang ating propesyon! Always remember, hindi tayo mga alalay ng doktor. Hindi maganda ang term na alalay AND to put, hindi tayo mga second class citizens ng ospital. Kung nurse ka at dini-describe mo ang propesyon natin bilang “alalay ng doktor” sige, mag-isa ka. Hindi ako agree sa’yo. LOL
Dito kasi nagkakamali ang maraming tao. Iba po ang Medicine at iba ang Nursing. Kung meron tayong mga midwife at nursing aide sa Nursing, meron naman silang mga clerk at intern sa Medicine. Wag na wag nating ipamukha sa mga tao na alalay tayo (or worse, alalay LANG tayo) ng doktor, dahil hindi naman pwede — to begin with. Pwede ko bang utusan ang clerk na kumuha ng vital signs para sa’kin? Pwede. But that doesn’t mean na alalay ko siya, diba? Nag-du-duty siya at nag-aaral para sa Board Exam at para maging isang doktor. Registered Nurse ako. Magkaiba ang mundo namin ngunit magkasama kami sa isang direksyon.
So, kung magkaiba ang Medicine at ang Nursing, bakit sumasama ang nurses tuwing magro-rounds ang mga doktor? Hindi eto dahil sa mas mataas ang rank nila at sila lang ang nagde-desisyon sa lahat ng bagay. Though, technically speaking, mas mataas talaga ang pinag-aralan nila. At nirerespeto natin sila dahil dun, right? My point is, hindi tayo mga salimpusa sa ospital. Kasama tayo sa panggagamot. Hindi tipong mag-o-order si dok ng ganito at ganyan tapos gagawin ng nurse. Ganun ka-simple. WRONG! Iba ang trabaho ng doktor at iba ang trabaho ng nurse. Sumasama tayo sa rounds para sa pasyente mismo. Ang pasyente ang totoong boss natin. Kapag nasa bedside ang doktor, naangkop lamang na nandoon din tayo. Kung pwede nga lang na sumama pati ang mga orderly, dietary, manongs and manangs tuwing magro-rounds eh. Kaso baka hindi na kasya sa kwarto. Hehe.
Muli, congratulations! Sana ay hindi kayo magsisi.
Hello. Kakagising ko lang. Galing ako sa mansion. Nag-apply ako bilang muchacho. LOL. Medyo mahaba ang kwento kong ito. Pasensya na.
- 9:00 AM ang test, panel interview, tsaka final interview. Umalis ako ng 7:00 AM. Sumakay ako ng Five Star bus. Noong nasa ______ na ako, bumaba ako at sumakay ng jeep. Nakaka-badtrip yung jeep na nasakyan ko. Tae! Ang sarap pasabugin! 8:30 AM na at ang bagal bagal pa! Parang naka first gear lang yung jeep. Sobrang bagal na nga, tigil pa ng tigil. Wala namang sumasakay na pasahero! Tapos nakikipag-kwentuhan pa si kuya sa ibang mga tsuper. Pambihira talaga! At nagpa-gas pa siya! Shet! 8:45 AM na. Kung hindi siguro ako sumakay sa jeep niya, hindi ako na-late! Buwiset.
- Oo. Na-late ako! Dahil dito, nasigawan ko yung guard ng mansion kasi nakakainis dinsiya. Hindi naman po ako bugnutin na tao. Sa psychology, kung gusto ninyong malaman, merong defense mechanism na tinatawag na displacement. Late na nga ako — thanks sa napaka bilis na jeep, tapos ganun pa siya! Ang lousy niya kausap! Tinatanong ko kung nasaan ang conference room. At eto ang sagot niya sa’kin: Nasa first floor sir. Hanapin niyo nalang po. Pakyu ka kuya? Ang ayos kong nagtatanong. Hindi naman ako magtatanong ng direction kung hindi ako naliligaw eh!
- Buti nalang at ma-swerte parin ako. Pagpasok ko sa conference room, tumambad sa’kin ang napakaraming nurse. Sakto lang ang pagdating ko. Sumasagot sila ng application form. Maswerte rin ako kasi wala ang
mayordoma Head ng Human Resources Department. Lumabas daw siya. Nag general cleaning.
- Sumunod ang Sach Test. Alam ba ninyo ito? Isa itong napaka hirap na test tungkol sa writing at speaking. Dumugo ang utak ko! (Ang full name ng test ay Sach Sentence Completion Test. May mga phrase na nagtatapos sa ellipsis. Bubuuin mo ang thought.) Eto ang mga halimbawa:
- I feel that my father seldom…
- When I’m not around, my friends…
- When I see a man and woman together…
- When odds seem to turn against me…
- When I was a child…
- The people above me…
- The people who work for me…
- My mother and I…
- Most families I know are…
- My sex life is…
- Hindi ko maalala kung ilang items ang exam. Ang naaalala ko lang, sobrang dami! Gusto kong magsulat ng mga socially acceptable na sagot — pero sa isang munting bahagi ng utak ko, parang gusto ko nalang tapusin ang mga lecheng tanong. Kung ano yung pumasok sa isip ko, yun na. Bahala na si Batman! Tsaka si mayordoma. Total yan naman ang forte niya bilang isang Psychology. LOL
- Sumunod ang napakahirap na IQ test. Hindi ko na masyadong ide-detalye ang bahagi na’to. Basta. Kakaiba siya na IQ test. Pang-nurse/Pang-doktor. Eto na yata ang pinaka challenging na IQ test na kinuha ko.
- Nag-lunch ako sa KFC kasama ang mga bago kong kaibigan. Friendly naman ako.
- 2:00 PM. Interview ni mayordoma. Mayordoma nga pala ang tawag ko sa kanya kasi mukha siyang mayordoma. Haha! Siya ay isang mataba na babaeng naka-dress at makapal ang make up. May iba pang Head ng Human Resources Department. Ang alam ko tatlo sila. Siya lang ang present ngayong araw.
- Malupet siyang mag-English! Grabe. Lumulutang ako pagkatapos nung interview niya sa’kin. Hinukay niya yung isang sagot ko sa Sach Test. Bakit daw ako takot sa ipis? (I know it sounds funny but I’m afraid of…) Ang ganda ng conversation namin. Tungkol sa ipis.
- Last ang interview sa Director of Nursing Services / Chief Nurse. Nakakatakot siya. Alam ba niyo yung etiquette tuwing nagco-conduct ng interview? Wala siyang ganun. Nakakatakot siya. Halimbawa, noong pumasok ako sa kanyang office. Gin-reet ko siya ng Good Afternoon. SUBALIT anong sagot niya? Wala! Hindi rin ako umupo kasi hindi niya ako pinapaupo. Kinapalan ko nalang ang mukha ko. Ayaw niyang magsalita, edi bahala siya! Umupo ako kahit di niya ako pinapaupo. Haha! Gusto yata niya akong interviewhin na nakatayo eh pagod na kaya ako. Pagod na ang katawan ko tsaka utak ko.
- Tapos tinanong niya kung married na ako.
- Sumakay ako ng Five Star bus pauwi. Binalita sa TV yung baha sa Queensland, Australia. Grabe na ang epekto ng climate change.
/ Yan lang naman. Salamat sa pagbabasa!
December 2, 2010
- 5 PM. Pumunta ako sa SM dahil nagyayaya sina doc na manood ng Harry Potter and the Deathly Hollows. Kumain muna kami ni Doc Edward sa Chowking dahil 8:30 PM pa yung papanoorin namin.
- Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa Cyberzone dahil nagdala ng kotse si Doc Mel. Tumangkad daw ako at tumaba. Tinanong nya kung meron ba akong iniinom na gamot at sumagot naman ako nang masinsinan.
Wala naman doc! Madalas lang akong mag masturbate. OMG. Hahaha!
- Nagpunta kami sa arcade. Nag-videoke si Doc Mel at nag-basketball naman kami ni Doc Edward. Nakakalungkot yung mga alam na kanta ni Doc Mel. Gusto kong i-unplug yung videoke! Haha!
- 7:30 PM. Dumating si Doc Shiela. At kumain uli kami sa Shakey’s!
Nagre-regurgitate na yung tae sa bibig ko. Haha!
- 8:30 PM. Nanood na kami ng Harry Potter. May mga eksena na nakakatawa pero mas maraming eksena na nakakalungkot. Nakakaiyak! eg. Namatay si Hedwig. Namatay si Alastor Moody. Namatay si Dobby.
Ang gwapo ko. Nag-away si Ron tsaka si Hermione. (Ibang-iba na sila sa first year students na nakilala natin noon sa Harry Potter and the Philosopher’s Stone) Pumunta si Harry tsaka si Hermione sa Godric’s Hollow sa araw ng Pasko. Madilim yung langit tapos nag-i-snow. Nakakaiyak yung background music! Masyadong solemn.

- Natatakot ako sa character ni Dolores Umbridge.
Hindi siya mukhang witch. Mukha siyang psychotic na pasyente. LOL
- Pinipigilan ko yung tawa ko nung nagkakagulo silang lahat sa Malfoy Manor tapos biglang may cutscene si Dobby na nasa chandelier.
- Napaka pangit ni Bellatrix Lestrange! Sana nga bumagsak nalang yung chandelier sa kanya! LOL. Astig yung pagkamatay niya nun, kung sakali. Nalungkot ako noong namatay si Dobby.

- Nakaka-amaze yung kwento ng Deathly Hollows! Kung isa siguro ako sa mga magkakapatid, ito yung iwi-wish ko kay Kamatayan: gawin niyang mahiwaga yung tubig sa ilog. Kung sino man ang titingin sa ilog ay magkakamit ng sobra sobrang katalinuhan. LOL
- Nag-check ako ng FB at natulog.
- May natanggap nga pala akong regalo! Starbucks tumbler. Woo! Isa na akong ganap na professional. Natupad na ang pangarap ko sa buhay. LOLJK
Read More