Cellphone

Tuluyan nang bumigay yung ginagamit kong Nokia 3200. Third year high school ako noong bilhin ni mama ang cellphone ko na yun. Last 2009, habang nagre-review ako para sa board exam, unang beses nasira ang mahal kong Nokia 3200. Consequently, bumili ako ng kapalit. Bumili ako ng second hand na Nokia N73. Ewan ko kung GSM ba ang phone na yun (Galing sa magnanakaw) pero hindi ko na talaga pinroblema. Ayoko lang mag-board exam na walang cellphone. Baka yun pa ang ikabagsak ko. Hehe!

Last year, nadukot ang aking N73. Masaklap. Papunta ako sa Angeles University Foundation - Medical Center noong panahon na yun. Naka-confine si lola sa ICCU (Mahabang kwento.) Pinahiram sa’kin ni mama yung luma niyang cellphone kaso nagloloko naman. Hindi ako makapag-send ng message minsan! Lumilitaw sa Sent Items subalit hindi nakakarating dun sa ka-text ko. Tsaka tinotopak ang LCD! Paano naman ako magte-text kung gabi o madilim na, diba? Gagamit pa ako ng flashlight para lang mag-text? Hehe. Hindi pwede.

To cut the story short, may bago akong cellphone. Hindi po ito Blackberry. China phone lamang po ito. LOLJK. Basta. Hindi naman ako masyadong brand conscious or what. Ang gusto ko lang eh yung matibay. Yung tipong kahit mabagsak ko, kahit mabitawan ko, or kahit mabasa eh gagana pa rin nang matino. Tsaka may Reminder, Alarm Clock, at WLAN dapat. Eto yung mga features na hanap ko. Bonus na lang ang pagkakaroon ng Camera, Mp3 Player, at Bluetooth. Meron naman akong iPod at tsaka digicam.

Medyo naninibago ako sa keypad. Kahit noong hindi pa uso ang QWERTY (at kahit hindi QWERTY ang cellphone ko noon), kumpleto akong mag-type ng text messages. Hindi ako gumagamit ng shortcut. Yep, may pagka-obsessive compulsive po ako sa pagtetext. Hehe! Parang may mali kung sasabihin kong “Gud aftrnun!” sa halip na “Good afternoon!” o kaya “ILY!” sa halip na “I love you!” Simpleng halimbawa palang yan. Nevertheless, kahit nahihirapan akong gamitin ang keypad, nag-e-enjoy naman ako sa paggamit ng WLAN. Basta’t may signal, meron at meron akong libangan.

The girlfriend thinks naglalaro ako ng Mortlake Mansion sa desktop computer ng station namin. Eh hindi naman. Si Ma’am Jess ang adik na adik sa game na yun! Nag-F-FB lang ako. Ka-FB ko yung ibang nurses na duty sa ibang unit. Hindi rin sila natutulog. Nag-cha-chat lang kami. LOL

Segue: Last Tuesday may isa kaming pasyente na naka-sonda. Wala siyang bantay. Nawindang ako, guys! Natanggal ang sonda niya. Ayon sa aking masusing inspection, nag-masturbate pala siya. Pumutok yung balloon ng sonda, at nahugot, at dumugo nang matindi. Pina-tourniquet ko pa nga ang etits niya. LOLJK. Kasalanan ko ba yun? Gusto niyang mag-masturbate edi bahala siya. Katawan niya yun. Tayo lang naman ang may kontrol sa sariling katawan natin. May magagawa ba ako kung hindi niya mapigilan? Tao pa rin naman ang mga kapatid nating exhibitionist. Oo, alam ko, hindi dapat kinokonsinte ang mga socially unacceptable behavior NGUNIT hindi rin dapat pinagbabawal. Walang sense kung pagbabawalan siya or papagalitan. Lalo siyang mamo-motivate na magpapansin.

Sabi nga nila, less attention, less friction.

Kapag walang pumapansin o walang natatakot sa ginagawa ng isang exhibitionist, most probably, maiisip niya na hindi nga socially acceptable ang behavior na yun. Hindi tama ang pagma-masturbate sa pampublikong lugar. Sabi ng clinical instructor namin noon, in some other cases na talagang sukdulan ang ginagawang pagma-masturbate, pwedeng hiyain ang exhibitionist.

“Oh ano yan? Ang liit naman niyan.”

Eniweys. Kung gusto niyang makipag-sex, wala din akong magagawa. Basta’t wag lang silang magpahuli. Haha! Magkakaroon ng totoong problema kung contraindicated o bawal ang sexual intercourse. Sino ang magdedecide kung pwede ang sex o hindi? Doctor. In this case, hindi contraindicated ang sex kay manong.

Kailan nagiging contraindicated ang sex? For example, may sakit sa puso ang pasyente. Hindi talaga pwede ang sex. Pero kung halimbawa, moderate to severe pain ang problema ng pasyente, aba ibang usapan yan. Pwedeng pwede! Haha! Jowk.

Bukas na nga pala ang socialization birthday party ni Donya Lily. Nagpa-grand duty na si Ma’am Jess kahapon (last duty na niya sa hospital exposure ng RN HEALS). Bumaha ng pagkain! Merong pesto at spaghetti. Kahit medyo nilalagnat ako, nakatulog ako pagkatapos ng katoxikan. Siguro dahil sa sobrang busog.

Yun lang. Good evening sa inyong lahat. 

pre birthday, birthday, from

December 2, 2010

Wala naman doc! Madalas lang akong mag masturbate. OMG. Hahaha!

Read More

Photo credit: aecee05 (via tipidcp.com)