pre birthday, birthday, from
December 2, 2010
- 5 PM. Pumunta ako sa SM dahil nagyayaya sina doc na manood ng Harry Potter and the Deathly Hollows. Kumain muna kami ni Doc Edward sa Chowking dahil 8:30 PM pa yung papanoorin namin.
- Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa Cyberzone dahil nagdala ng kotse si Doc Mel. Tumangkad daw ako at tumaba. Tinanong nya kung meron ba akong iniinom na gamot at sumagot naman ako nang masinsinan.
Wala naman doc! Madalas lang akong mag masturbate. OMG. Hahaha!
- Nagpunta kami sa arcade. Nag-videoke si Doc Mel at nag-basketball naman kami ni Doc Edward. Nakakalungkot yung mga alam na kanta ni Doc Mel. Gusto kong i-unplug yung videoke! Haha!
- 7:30 PM. Dumating si Doc Shiela. At kumain uli kami sa Shakey’s!
Nagre-regurgitate na yung tae sa bibig ko. Haha! - 8:30 PM. Nanood na kami ng Harry Potter. May mga eksena na nakakatawa pero mas maraming eksena na nakakalungkot. Nakakaiyak! eg. Namatay si Hedwig. Namatay si Alastor Moody. Namatay si Dobby.
Ang gwapo ko. Nag-away si Ron tsaka si Hermione. (Ibang-iba na sila sa first year students na nakilala natin noon sa Harry Potter and the Philosopher’s Stone) Pumunta si Harry tsaka si Hermione sa Godric’s Hollow sa araw ng Pasko. Madilim yung langit tapos nag-i-snow. Nakakaiyak yung background music! Masyadong solemn.

- Natatakot ako sa character ni Dolores Umbridge.
Hindi siya mukhang witch. Mukha siyang psychotic na pasyente. LOL - Pinipigilan ko yung tawa ko nung nagkakagulo silang lahat sa Malfoy Manor tapos biglang may cutscene si Dobby na nasa chandelier.
- Napaka pangit ni Bellatrix Lestrange! Sana nga bumagsak nalang yung chandelier sa kanya! LOL. Astig yung pagkamatay niya nun, kung sakali. Nalungkot ako noong namatay si Dobby.

- Nakaka-amaze yung kwento ng Deathly Hollows! Kung isa siguro ako sa mga magkakapatid, ito yung iwi-wish ko kay Kamatayan: gawin niyang mahiwaga yung tubig sa ilog. Kung sino man ang titingin sa ilog ay magkakamit ng sobra sobrang katalinuhan. LOL
- Nag-check ako ng FB at natulog.
- May natanggap nga pala akong regalo! Starbucks tumbler. Woo! Isa na akong ganap na professional. Natupad na ang pangarap ko sa buhay. LOLJK
December 3, 2010
- Edi 22 years old na ako.
- Isang masaklap na pangyayari: Nasira yung USB flash drive ko na 16 GB. Nakaka buwiset talaga! Corrupted lahat ng files ko. Wasak na wasak! Walang natira. Tuwing kini-click ko yung drive na para sa USB, may error na lumalabas. “Please insert disk into drive E:/” Hayop talaga.
- Three to four weeks daw yung repair. May free service warranty naman yung USB ko, kaso nga lang, wala akong gagamitin na USB. Amf! Sana bago mag-New Year e maayos na nila. Kailangan ko talaga ng USB.
- Andaming nag-greet sa’kin sa FB. Na toxic ako sa pagrereply! LOL. Pero seryoso. Andaming nag-greet sakin ngayong year. Pati yung mga hindi ko ine-expect na mang-gre-greet sa’kin e nakigulo sa FB ko.
- Maraming handa dito sa bahay kaso tamad akong mag-picture. Ayun.
- Mali yung Advent Wreath sa cathedral. Lima yung kandila. Tatlong violet, isang pink, at isang white sa gitna. Mabait ako kaya napansin ko. Hehe!
- Natulog ako ng 2AM.
December 4, 2010
- 22 years and 1 day old.
- Bibili dapat ako ng Nokia C3 sa SM/Nokia Center ngayong araw dahil naka sale! P4990 nalang ang presyo ng C3 compared sa original na P5990. Ganunpaman, medyo bitin yung budget ko! Pinapadagdag ko kay mama yung pera ko subalit ayaw niya. Katakut-takot na sermon ang inabot ko! LOL. Lumapit ako sa aking kompyuter at nabasa ko yung status message na ito sa FB “Be grateful that you don’t have everything you want. That means, you have the opportunity to be happier tomorrow than you are today.” Ibig sabihin, bibili nalang ako ng mas magandang phone next time. Iphone 4! LOL
- Ninakaw yung ginagamit kong N73 dati kaya N3315 ang ginagamit ko ngayon. Sa kapatid ko ang antique na cellphone nato. Pwede narin, kesa wala. Next time nalang ako bibili ng high-end na telepono.
- Yun lang. Salamat sa pagbabasa! /obliviate