codebluealert asked: Tanginis, ang toxic ng 3-11 ko! Hahaha

FAP FAP FAP lang ang katapat niyan pre. LOL

princessjann asked: nakakatawa ang blog mo. hehe. san ka nag graduate?

Maraming salamat! ako po ay nag-graduate sa…

Hindi ko sasabihin. I’m a private person, you know. LOLJK

Nurse yourself

Dina Virginia is a 72-year old woman who has Tetanus. She has opisthotonus. Her attending physician advises you to inject diazepam. Which of the following interventions is correct?

A. Administer diazepam very slowly.

B. Evaluate the client’s level of consciousness.

C. Use sterile water to dilute diazepam.

D. Place the client on high fowler’s position.

GCS 3

Pasensya na po at ngayon lang uli ako nakahawak ng computer. LOL

Masalimuot ang mga nakalipas na araw. Nasira ang desktop computer na ginagamit ko sa pagba-blog at nagkaroon ako ng mumps (epidemic parotitis) O sa Tagalog, beke. Nagkaroon na ako ng mumps noong bata ako, ngunit, tulad ng ibang childhood viral infections, mayroong possibilidad na bumalik ang sakit sa pagtanda.

Hindi naman assurance ang bakuna laban sa kahit anong sakit. Kumbaga, pinapababa o pinapaikli lamang ng vaccines ang period of communicability o duration ng mga sintomas. Classic example? Flu vaccine. Hindi porket nagpa-inject ka ng flu vaccine eh hindi ka na magkakaroon ng flu habang buhay.

Maswerte ako dahil hindi ako nagkaroon ng orchitis. Orchitis ang tawag sa pamamaga at pananakit ng testicles. Kaya nga, kung alam ninyo marahil, nakakabaog ang sakit na mumps — lalo na sa mga matatandang lalaki.

Naubos ang pera ko sa ciprofloxacin, immunosin, at strepsils. Grabe! Ang swerte ko talaga sa sakit! Consuelo de bobo ko nalang at libre ang CBC sa ospital namin at  may physician’s sample ng ciprofloxacin sa Nurses Station.

***

Sobrang toxic pa rin ako sa duty. Walang pagbabago! May issue na naman kami sa Department of Internal Medicine dahil namatay yung kamag-anak ng isang institutional worker namin. Ano ang case ng pasyente? Acute Gastroenteritis with severe signs of dehydration.

At tsaka Dengue Hemorrhagic Fever - Shock.

Apat na araw siyang nilalalagnat at nagtatae. Nakapag-fastdrip ng 3 LITERS ng intravenous fluid sa Emergency Room, ngunit bagsak pa rin ang blood pressure! Nagkabit ng sonda sa aming unit pero walang urine output. Namatay ang pasyente.

Na walang labs.

Yep. Walang laboratory results sa chart niya mula noong ma-admit hanggang mamatay! Sabi ni kuya institutional worker, pinabayaan daw namin ang anak niya. Duh? Eh apat na araw na nilalagnat at nagtatae ang anak niya. Kung isang araw lang nga, magtataka ka na eh. Hindi mo na dapat papaabutin ng apat na araw, unless nurse ka, doktor, o sadyang matigas ang ulo mo. (Parang ako. Haha)

Chineck ng kasama kong nurse yung ER NOTES. Doon, nakalagay na “requested” ang labs na kailangan ng pasyente. Subalit noong pumunta sa central lab ang kasama kong nurse, jaran! Walang labs! Walang pending na lab request ang pasyente. Hindi siya na-extract ng dugo. Wala. Nil. Nada.

Gagawa dapat ng panibagong lab request yung kasama kong nurse, kaso tinanong niya ang bantay at sinabing dinala niya yung mga lab request form sa central lab. Napaka-mysterious ano? Sino kaya ang nagsisinungaling sa kanila? Ang bantay ng pasyente? Ang ER nurse? Ang kasama kong nurse? O ang central laboratory?

Hay.

Yun lang. Good afternoon sa inyong lahat!

PS. Bibisita ang Philippine College of Physicians sa ospital namin. As of today, pinipinturahan ang buong department namin. Parang gusto ko nang mag-abroad. Kasama si girlfriend. LOL

Kunwari, isa kang nurse sa Medicine Ward ng isang pampublikong ospital. Pagpasok mo sa kwarto ng isang pasyente, tumambad sa’yo ang isang karumaldumal na eksena. Dalawang tao, walang malay. Mukhang patay na! Ang pasyente mo na nasa kama at ang bantay niya na nasa papag, duguan. Sinaksak ang bantay at nakabaon pa yung kutsilyo sa dibdib.

Question: Sino sa kanilang dalawa ang unresponsive? At sino ang unconscious?

Kapag sinabing unconscious, may kinalaman ang pagkawala ng malay sa Medicine, as a whole. Pwedeng dahil sa sakit, sa gamot, or whatever. Kapag naman sinabing unresponsive, may kinalaman sa Emergency Medicine / Trauma. Pwedeng dahil nasaksak, nabagok, nahulog, etc. Hence, hindi dapat ginagamit ang term na unresponsive kung walang trauma ang pasyente. Sa ulo man yan, sa dibdib, sa titi, or kahit saan! Glasgow Coma Scale ang dapat gamitin kung “unresponsive” ang pasyente na walang trauma. Maiko-konsider bang trauma ang sakit na stroke? Depende sa sanhi ng stroke. Kung na-stroke ang pasyente dahil sa konsumisyon, aba, GCS talaga dapat. Magiging questionable ang assessment finding na “unresponsive” sa chart.

In this case, unresponsive ang bantay at unconscious naman ang pasyente. Baka na-heart attack ang pasyente noong makita niyang sinaksak si bantay. Hehe.

Klaro?

What is the difference between “unresponsive” and “unconscious?”

NURSES! PAKI-SAGOT NAMAN ANG NAPAKA-SIMPLENG TANONG NA ITO. LOL

Band

Dahil nasa abroad si girlfriend at maraming nagmamaganda sa paligid, naisipan kong bumili ng wedding band singsing sa SM kahapon. Kung hindi ninyo naitatanong, ang nag-iisang alahas na pwedeng isuot ng mga nurses sa loob ng ospital ay ang relo. Bawal ang hikaw, bawal ang singsing, bawal ang bracelet, bawal ang kwintas, etc. Buti nga’t dito sa atin hindi masyadong strict pagdating sa dress code! Sa katunayan, pwedeng magsuot ng pearl ang mga kababaihan (kahit single) at pwedeng magsuot ng singsing ang mga kalalakihan (kahit single). Registered nurses lang ah, siyempre! Hehe. Ako mismo, ayokong nakakakita ng mga nursing students na napakaraming bling-bling sa katawan at parang Christmas tree na.

Hindi masyadong okey ang experience ko sa pagpapa-engrave ng pangalan namin sa singsing. Nagkamali kasi ang sales girl! Ipapabayad ko sana ang singsing (dahil nagkamali nga siya) kaso na-realize ko na baka hindi naman niya ma-afford. CHOS! HAHA! Dahil wala ako sa mood makipag-away at alam niyo namang hindi mahilig makipag-away ang mga gwapong katulad ko (signal number 3) pinalagpas ko nalang. Magkano ang silver band na’to? Mura lang. Kapampangan ako pero hindi ako mahilig sa mga extravaganza.

Yun lang. Day off ko pa rin ngayon. Hehehe! In-enjoy ko lang ang day off ko at baka lagnatin na naman ako. My goodness. Palagi nalang akong nilalagnat! LOL

Segue: Congratulations nga pala sa lahat ng bagong nurses! Sama-sama nating iangat ang ating propesyon! Always remember, hindi tayo mga alalay ng doktor. Hindi maganda ang term na alalay AND to put, hindi tayo mga second class citizens ng ospital. Kung nurse ka at dini-describe mo ang propesyon natin bilang “alalay ng doktor” sige, mag-isa ka. Hindi ako agree sa’yo. LOL

Dito kasi nagkakamali ang maraming tao. Iba po ang Medicine at iba ang Nursing. Kung meron tayong mga midwife at nursing aide sa Nursing, meron naman silang mga clerk at intern sa Medicine. Wag na wag nating ipamukha sa mga tao na alalay tayo (or worse, alalay LANG tayo) ng doktor, dahil hindi naman pwede — to begin with. Pwede ko bang utusan ang clerk na kumuha ng vital signs para sa’kin? Pwede. But that doesn’t mean na alalay ko siya, diba? Nag-du-duty siya at nag-aaral para sa Board Exam at para maging isang doktor. Registered Nurse ako. Magkaiba ang mundo namin ngunit magkasama kami sa isang direksyon.

So, kung magkaiba ang Medicine at ang Nursing, bakit sumasama ang nurses tuwing magro-rounds ang mga doktor? Hindi eto dahil sa mas mataas ang rank nila at sila lang ang nagde-desisyon sa lahat ng bagay. Though, technically speaking, mas mataas talaga ang pinag-aralan nila. At nirerespeto natin sila dahil dun, right? My point is, hindi tayo mga salimpusa sa ospital. Kasama tayo sa panggagamot. Hindi tipong mag-o-order si dok ng ganito at ganyan tapos gagawin ng nurse. Ganun ka-simple. WRONG! Iba ang trabaho ng doktor at iba ang trabaho ng nurse. Sumasama tayo sa rounds para sa pasyente mismo. Ang pasyente ang totoong boss natin. Kapag nasa bedside ang doktor, naangkop lamang na nandoon din tayo. Kung pwede nga lang na sumama pati ang mga orderly, dietary, manongs and manangs tuwing magro-rounds eh. Kaso baka hindi na kasya sa kwarto. Hehe.

Muli, congratulations! Sana ay hindi kayo magsisi.

067

Random Fact

First time kong makakita at first time kong magkaroon ng pasyenteng may Stevens-Johnson’s Syndrome (SJS) last week. Sa unang tingin, parang psoriasis ang SJS. Well, not quite! Bukod sa balat, maa-assess rin natin ang SJS sa mata ng pasyente. Parang dumudugo! Nakakatakot.

Hindi po siya ang pasyenteng tinutukoy ko, okey. Pero nakakakilabot talaga. Hanggang ngayon, wala pa ring eksaktong dahilan kung paano at bakit nagkakaroon ng SJS ang isang tao.

> Start Duloxetine (Cymbalta) 250 mg tab / i tab PO QID with suicide precaution

> Refer

Hahaha! K. Ang sama ko.

Stress

Nilagnat ako noong isang gabi. Naka-duty ako at sobrang sama nang pakiramdam ko. Fakkenshet. Tatlo ang electric fan namin sa Nurses Station subalit hindi gumagana yung isang wall fan na siyang nagbibigay ng pinakamaraming hangin. Ayaw sumindi dahil walang extension cord. Buwiset! Hindi ninyo naitatanong ngunit palagi na lamang may kulang sa station namin.

Sterile water

Micropore

Asepto syringe

5 cc syringe

3 cc syringe

Tuberculin syringe (LOLJK. Eto lang yata ang syringe na palaging meron!)

Stapler (Dalawa lang ang gumagana)

Staple wire

Pentel pen

Diazepam

Morphine

Clean gloves

70% Alcohol

Cotton balls

Sterile OS pack

Nakakabuwiset mag-duty kapag kulang ang supplies. How I wish magduty ang mga floor manager namin at mga head nurse (at kung pwede rin, pati si Ma’am Chief Nurse. HAHA) na sila lang. Hindi siguro sila makakaraos sa duty, ano? Magpu-pullout lang siguro sila ng mas batang nurse na gagawa sa lahat nang napakahirap na trabaho. Nasa station lang sila; nag-a-admit ng pasyente at nagbabasa ng catalogue ng Avon, Natasha, Boardwalk, etc.  K. Ang bitter ko.

Simpleng halimbawa. Wala nang space sa medication sheet at ikaw yung nurse na naka-duty sa bedside. Naturalmente kailangan mong mag-recopy ng meds para sa susunod na shift at para sa sarili. Saan pa nga ba magsusulat kung wala nang space, diba? I repeat, 80 ang census. Pagkatanggal mo sa staple wire ng chart, siningit mo ang bagong medication sheet na susulatan. Ngunit noong ii-i-staple mo na, VOILA! Walang staple wire ang puta! Kabadtrip! Sa halip na matapos ka kaagad sa trabaho eh maghahanap ka pa ng staple wire sa kabilang planeta. Hindi mo naman pwedeng utusan ang nursing aide (na maghanap ng staple wire) since siya ang kumukuha ng vital signs ng LAHAT ng 80 na pasyente. Mahirap na. Baka iwanan ka niya sa ere. Initial VS lang ang kukunin niya at ikaw na ang bahala sa latest VS. HAHAHA! Take note, 80 ang pasyente.

Another example. Umabot ka na sa dulo ng Department of Internal Medicine. Ikaw ay nasa Pulmonary Ward. 80 pa rin ang census. Kasama mo ang mga hampaslupa mababait na nilalang na merong pneumonia, COPD, asthma, at tuberculosis. Sa maraming pasyente, magbibigay ka ng Co-Amoxiclav, isang klase ng antibiotic na hinahaluan ng 10 cc sterile water. Walang sterile water sa Nurses Station. Walang sterile water sa emergency cart. So, nagpabili ka ng sterile water sa mga bantay ng pasyente na medyo angat at gumagamit rin ng gamot na kailangang i-dilute sa sterile water. After few minutes, ubos na ang sterile water. Pati yung mga kasama mong nurses eh wala ring magamit na pang-dilute. Jusmio.

Segue: Dahil may lagnat parin ako after 3 days, uminom na ako ng antibiotic. (Bukod sa mga nabanggit kong interventions noong isang araw.) Erythromycin 500 mg PO BID. Hindi ako komunsulta o nagpatingin sa doktor para diyan. Meron akong MIMS dito sa bahay at alam ko ang dapat gawin. Nurse kaya ako.

Okey na ang pakiramdam ko ngayon. Tapos na ako sa night shift. At afternoon shift ako mamaya. Good afternon sa inyong lahat! 

Hello nga pala sa mga bago kong followers! Sorry po at hindi ako masyadong nakakapag-update. Rest assured, magsusulat at magku-kwento pa rin ako. Mahal ko pa rin ang pagsusulat. Balak ko ring mag-upload ng pictures. Kapag may time nalang. Stay tuned. Weh?